Kung mahina-hina lang ang loob ko, siguro naiyak na ako sa dami ng tao. Habang nagpapalipas ng oras (hinihintay madevelop ang black and whites) sa Hidalgo, tumingin-tingin na ako ng powent-en-shoot na camera na ireregalo ko sa sarili ko ngayong Pasko.
Malaking challenge ang pagtakda ng budget para sa isang bagay na hinahanda mo ang sarili mo na maaaring mawala, manakaw, mahulog sa imburnal, madaganan ng kalabaw, etc. Naghahanap kasi ako ng digicam na pang-araw-araw ko, para hindi ko na rin hiramin 'yung camera sa bahay. Madalas kasing nagkakasabay ang mga gimik namin at alam kong medyo napi-pissoff sila pag kailangan 'yung camera at nasa akin pala. Hennyway. Matapos ang 2 oras na pagi-interview sa lahat ng natitirang nagbebenta ng camera sa Hidalgo (and alas, so few remain!), may binalikan akong isang tindahan sa may kanto (na natatakpan nu'ng nagu-ukay-ukay sa tabi ng nagbebenta ng tuyo na kasosyo 'yung nagpapatugtog ng mp3 sa kaliwa nu'ng nagbebenta ng croocs).
May kasabay akong girlalu na bumibili. Di ko naman masyadong pinaglawayan 'yung bibilhin niyang Nikon D3000. "Okey na camera yan," sabi ko, "hobby mo talaga ang photography?" "Ay hindi, frustration ko lang," ngiti niya. Nakanang. Susyal ang frustration niya ah.
Pagkaalis ni photography frustrationist, tinanong ako nu'ng katabi ko. "Magkano mo nakuha?" Nagi-inquire kasi siya sa mga presyo ng cams doon. Nasa listahan niya ang latest mowdels ng Canon, Nikon, at ang matagal ko nang pinagnanasahan, ang Lumix LX3. Nasa 23thousands up up up ang nasa listahan niya. "Uh, ____ lang," sabi ko. Di ko kinayang sabihin na sa totoo lang, kalahating buwang suweldo ko 'yung halaga ng bago kong camera, na di na talaga bago ang mowdel. "Aaah," sabi niya, parang naaawa pa na hindi man lang umabot sa 5 digits ang presyo.
"Ate, wala na bang tawad 'yan, maski 'yung memory card lang, imbes na 440, 400 na lang, sige na..." ang pagmamakaawa ko. "Nagmahal kasi ang memory eh," sagot ni Ate. Gusto ko sanang sabihin, oo nga ate, ganyan talaga ang memory...minsan may gusto kang kalimutan pero... hindi ko na tinuloy kasi baka taasan pa ang presyo. Ayun. Di ko na pinabalot sa plastik dahil nagkasya naman 'yung buong box niya sa bag ko.
Bago umuwi, dinaanan ko na 'yung pinadevelop at scan to CD kong pics. Ganito mag-paint ang aking labidabs:
hindi mawawala ang kape
di naman gaanong malaki 'yung work niya 'no?
And dat's it from reddd my blackbird, fly TLR + Lucky BW film. Di masyadong oks 'yung galing sa 120mm (Holga). Kaya eto na lang, oki? Hennyway ulit. Sa susunod na post ko na may pics, siguradong 'yung bagong cam na ang pinangkuha sa mga 'yun. Naks.
3 comments:
my husband isn't very particular with the kind of camera a shooter uses. Sabi niya nasa gumagamit yan. I am very thankful for our Nikon d40. i think nasa 15-18T ito sa hidalgo. Doon ko to binili as my bday gift to him a year ago. Ready na daw siya for an upgrade. This january for his bday ill give him new camera.Graduate na daw siya sa d40. hehehhe.
i love your black and white photos. They are very good.
@Denise
thank you so much! i love film photography. yup, pine-phase out na ang d40...may d40x na, at d3000 ang next. your husband is sooo lucky! :) and i agree with him, wala sa camera yan. and i think he has great command of his cam :) may mga naka-dslr kasi, pangyabang lang. hehehe.
parang bigla ko ring gustong magka-labidabs haha. pero mas madali ata bumili ng bagong camera kesa tubuan ng puso. hihi.
Post a Comment