Wednesday, January 24, 2007

unti-unting bumabalik

sa mundo ng sining. medyo matagal din akong nawala, at ngayon masaya ako dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na ibahagi ang aking mga larawang-kuha sa isang grupo ng mga manunulat. may isang nagpahiwatig ng kanyang interes at nagpadala na siya ng mga tulang babagay sa mga litrato. ang galing. sana may patunguhan.

Monday, January 22, 2007

sunog sa araw


kung bakit ba ang bilis mamula. uy, mestisa kuno.

galing ako sa bongabon, nueva ecija. nag-ani, nagbalat ng sibuyas. hanggang ngayon amoy sibuyas pa rin ang kamay ko. at ako.
pinauwian ng kamatis, talong na bilog, siling mahaba, kalabasa, at siyempre, sibuyas AT atsarang sibuyas (dahil ako nga ang nagbalat).
(picture: kalabaw sa may sibuyasan)
makaligo na nga.