ang ibig kong sabihin, nalolomo na ako.
[lomography. lomography. lomography. ]
update: di ko pa nagagawa 'yung collab work kasama 'yung isang manunula.
update: sa loob ng isang linggo ay nakabili ako ng 2 bagong kamera. kung saan ako kumuha ng pera, ewan, pero puro kwek-kwek na muna ang kakainin ko ngayon. o pishbol. o kikyam.
eh ano ngayon: ang 2 kamera ay karaniwang ginagamit sa lomograpiya. wala ako sa mood magpaliwanag (ha ha ha). punta na lang kayo sa lomography.com. Film ang gamit (babay muna digital), medium format ang isa, ang minamahal kong Holga 120N (120mm film, ano daw?) at ang ActionSampler, na kumukuha ng 4 na pektyur sa isa. Aaa... bisitahin nyo na lang ang lomohome ko. naglakas-loob pa akong sumali sa lomomanila!
masaya siya. pramis. iba 'yung thrill pag hinihintay mong ma-develop ang mga pics. kung ano'ng itsura, astig ba ang effect ng pagko-cross process, maganda ba ang vignettes, and so on and so forth till death do us part.
ayun. eto nga pala sample, si hugo:
No comments:
Post a Comment