Monday, July 30, 2007

ngayong umaga...

PINAGPULOT ako ng nanay ko ng maliit na ahas (or what's left of it), matapos niya itong tadtarin gamit ang isang butcher's knife.

kwento niya, nakita raw niya ang ahas (mga 14 inches siguro yun, nu'ng buhay pa) na bitbit-bitbit ni MJ (isa sa mga pusa namin). Kumikisay-kisay pa raw. Ayun, inagawan niya ng laruan ang pusa. Tadtad! Pagkatapos ang Commonwealth Chainsaw Massacre ay naghanap siya ng paso at tinakluban ang dead ahas. Kukuhanan ko sana ng picture kaso baka ma-censor tayo dito. Hahahahas.

kaya ayun, matapos niyang i-chop-chop ang snake, pinapulot niya sa akin. "mas matapang ka dito," sabi niya nu'ng una. akala ko naman paaakyatin ako sa bubong. matagal ko na kasing gustong gawin 'yun, di lang ako pinapayagan dahil isang palapag lang ang bahay namin. kung gusto ko raw magpakamatay, dapat sa 6 floors ako tumalon, minimum. hehe. jowk. so. tanong ko, "ano ba 'yun?" sabi ni mama, "nakapatay ako! nakapatay ko ng ahas!" (intro: music from nightmare on elm street) nag-flash sa isip ko 'yung Philippine python na nakita ko sa tv nu'ng isang linggo, 'yung pinakamalaki raw of its kind. ooooo, may ganu'n kami sa terrace? kaya siguro nawala sina latte (pusa) at goldameir victoria (pusa rin).

[for some reason i find my code-switching and code-mixing funny. feeling funny.]

balik sa snake. ang chaka. maliit lang siya, mas mataba pa nga ang hinliliit ko. pero noon lang ako nakahawak ng ahas. di pa nga todo, kasi kumuha pa ako ng tissue pampulot. tsaka supot na paglalagyan. tamang-tama, dadating mamaya ang basurero. pwede sigurong gawing keychain yun. o kaya headband.

so ayun. a snake and a nanay to the rescue. ganda ng umaga ko.

1 comment:

corn said...

aleng driver..ang ganda ng concept mo sa blog na to..

mejo connected sya dati kong blog; http://thecommuterrant.clogspot.com

pero commuter naman ako jan..

cool ang pagki-kwento mo..aliw..

corn