panalo ang shorts. kapatid kong bunso 'yang naka-bikini. mukha siyang haponesa noon, ngayon exotic indian na siya. siguro may genes na pang-transformers talaga sa pamilya namin. but wait, there's more! alam niyo bang may beauty queen sa amin? presenting miss sacred heart 1986!
ang favorite ninang ko.
pinsan siya ng nanay ko. ang lagkit tignan ng gown niya. si kuya ang escort kuno, at ako, well, gwapo talaga.
nakapag-pagurl naman daw ako mga bandang 1990. look at me, i'm so fasyown with my pink headband and printed green blouse! pasensya na lang 'yung mga naputulan ng mukha sa likod, kailangan lang talagang makita ng buong mundo na marunong akong mag-tuck.
oh, at ano ito?! red polka dots na puruntong, knee-high na medyas, at red & green t-shirt na naka-tuck na, may rabbit pa! paskong-pasko talaga! obvious naman sa mukha ng kapatid ko na enjoy na enjoy siya sa mga pinasuot sa amin. i heart polka dots talaga.
ayun. ganun talaga pag lumalaki ang mga bata, dumadaan sa (ehem) phases of development. hay, whatever happened???
anyway, huwebes na ulit bukas at kailangan na iprepare ang thursday project. sa susunod na huwebes ay (dapat!) medyo sfecial ang handa dahil may magbebertdey. parang ang "blangko" pag sinabing bente-sais ka na 'no? parang 8 at 14. mas mabuti pa noong bata at di ko pa kayang bumilang lampas ng 10.

5th birthday, jollibee kid ako. uy mukha akong babae rito ah.
ayun. basta ang point ko lang talaga, gwapo ako noon at marami akong pictures na i-iscan. request na rin kasi ng nanay ko. sana matapos ko naman sa loob ng taon. hehehe. pag nakamtan ko na ang tagumpay,
maghahanap at mangyayakap ulit ako ng elepante. pramis.