Thursday, October 4, 2007

tigas-ulo



kaunti na lang ay maubusan na ako ng pasensya sa sarili ko. kaunti na lang masisipa ko na ang sarili ko sa pwet sa tigas ng ulo at kawalan ng disiplina sa sarili. nandiyan na, nandiyan na ang supercool na laptop na puno ng ultracool na stickers. nandiyan na, nandiyan na ang mga papeles na makakatulong sa paggawa ng kailangang gawin. nandiyan na lahat. pati utak. may mga daliri naman. sampung mga daliri, kamay at paa. ano pa ba ang kulang, ewan ko na.

HOY.

ilang araw na lang, matatapos na ang semestre. ilang araw na lang, sisipain na ako sa programang grad skul kung hindi ko ito matatapos. ilang araw na lang. hoy lauren, matakot ka na. wag nang tamad. nakakahiya.

buti kung nakikinig ako sa sarili kong payo, di ba?

No comments: