Tuesday, July 21, 2009

malayang talakayan 02

tumingin ka sa labas, parang may ulan na nag-evaporate bago tumama sa lupa, kaya parang naglalakad sa ulap ang mga tao. panay tuloy ang punas ko sa salamin ko; akala ko kasi may dumi lang.

alam mo, kinikilig ako pag sabay tayong naglilinis ng salamin.

kahapon binabasa ko 'yung mga lumang blog ko, grabe napaka-loser ko pala nu'n... alam ko na kung ano 'yung mali pero hinayaan ko lang. nagpaka-fasyown ako bilang isang martir. dehins bagay, kaya nag-makeover ang lola mo at ngayo'y back to beauty na inside and out. yep, i'm back. hahaha. buti na lang talaga. :) alam mo na 'yun.

tahimik ang biyahe ko pauwi kagabi; walang radyo si manong fx at nakalimutan ko sa bahay 'yung mp3 player ko. nu'ng tinanong kita kung ano'ng request mo para tugtugin ko sa utak ko, grabe pare, may kasama pang visuals 'yung kanta. sabi mo kasi 'your song' di ba? 'yung ost? well, moulin rouge lang naman ang alam kong pelikulang gumamit nu'n. kaya 'yun, kagabi nire-replay ko ulit 'yung eksenang 'your song' sa moulin rouge, complete with nicole kidman's rolling on the floor playing with herself giggling. "yes, that's what i want, naughty words!" tapos ewan mcgregor would very cutely sing out loud "MY GIFT IS MY SONG...and this one's for you," tapos mapapatulala na si nicole... whattasequence pare. tapos nakatulog yata ako. ang sarap ng aircon eh.

huy! marami na tayong panonoorin sa sine. sana at dapat naman may matuloy kahit isa ngayong taon. anim na buwan na tayong nagbabalak manood ng sine pero hanggang ngayon wala pa ring natutuloy. hanep. kasalanan ni benjamin lawton 'to, we've been cursed! bwahahaha. tandaan mo ha, 'coraline', 'up', 'where the wild things are'. puro animated pala 'yun. di na kasi enjoy manood ng mga tao 'no? pinahirapan tayo ng 'sleuth', grabeng human psyche 'yan, nakaka-psycho. korni mani popcorn.


di ko na nakalimutan ang mp3 player ko kanina, yehey! buti na lang, kasi mukhang wala akong laban sa bunganga ng isang dj sa isang sikat na radio station sa radyo (duh). ay, wag natin sabihing radyo... harhar. anyway, masarap ang pagkakaupo ko sa school bus (read: bus pa-quiapo) at nagmumuni-muni about the universe unfolding as it should...relak-relak lang ba. naka-random ang folder kong "misc" at pagkatapos kong magpaka-sentimellow sa kantang 'shoot the moon' ni norah jones bigla naman akong ginising ng 'september' ng ewf. uuy. may naalala ako.

medyo dito nagsimula 'yun, di ba?

ang galing-galing! from this krokis onwards madalas na sumakit ang pisngi ko kakangiti.

btw, naka-orange ako ngayon. ikaw siguro naka-green. syempre may malaking chance na mali ang hula ko, hehehe. kamusta naman ang espn?

wala na akong masabi. babalikan ko na 'yung ine-edit ko. good luck na lang din sa pagpapaka-visualizer natin diyan. sa ngayon vini-visualize din kita, nakaupo, nakangiti, kinukulayan ang mga kahong puti.

ang kyut mo talaga pare.

No comments: