Tuesday, June 23, 2009

malayang talakayan 01

oo pare, pag naririnig ko ang 'free as a bird' ng beatles, parang gusto kong mag-pole dance. nai-imagine ko na ang sarili ko: may suot akong kumikinang na two-piece na pink at stilletos. stereotype na kung stereotype, pasensya na, nakatatak kasi sa utak ko 'yung itsura ni natalie portman sa 'closer', nu'ng nagpaka-prosti siya. nai-imagine kong ganu'n ako, pag tumugtog na 'yung kanta. ...tapos ayan kunyari may pole na sa stage, madilim pero may iilang mga ilaw sa sulok-sulok. oo pare, ganu'n katindi ang imahinasyon ko. nai-imagine ko ang sarili ko, pag yun 'yung kanta, at ikaw--

nandu'n ka nakaupo, tahimik lang, may hawak na malamig na beer sa kaliwang kamay, at sa kanan naman, panyong pamunas ng pawis. nandu'n ka, nakaupo, nagmamasid, nakatitig, at dahil alam kong nandu'n ka (dahil nilagay kita roon), at walang ibang tao kundi tayo (dahil 'yun ang inimagine ko), lalapit ako sa 'yo--

tapos matatapos na 'yung kanta, medyo wirdo ang ending nu'n di ba, di na bagay sa pole dancing nang walang halong tama. ang beatles talaga oo.

2 comments:

stained memories said...

hahahahaha i love the beatles but free as a bird?

:P

you have one wild imagination :)

lauren said...

haha, yes, sometimes when i'm being playfully silly mg imagination takes over :) try to a picture a pole dance sequence with that song though, you'll see it works :)