Thursday, July 2, 2009

mukha kang tanga


pasensya na, ha. alam ko ang aga-aga, nagpapa-hayblad ako. naiinis lang talaga ako sa ganitong paggamit ng headband. kapatid, alam ko "in" ngayon ang bangs effect chuva ever, pero ang sagwa talaga tignan. pag maghe-headband ka, idamay mo ang buhok na nasa bandang harapan ng ulo mo--hindi lang kasi pang-fasyown ang headband, functional ito 'day. ang silbi nito ay panghawi ng buhok palayo sa mukha. at isa pa, hindi naman ganu'n kaikli ang buhok mo para maituring na "bangs" kaya mas nakakainis, kasi ako nae-excuse ko ang mga bangs na "nakakatakas" sa headband. pero 'yung ganyang sinasadyang magpaka-fasyown...hay gudlak na lang sa 'yo. advice ko, dahil mukhang nagnu-nursing ka, gamitin ang headband bilang functional na item--be neat, i-praktis mo dapat ito lalo na pag nasa health science profession ka. ayan humaba pa tuloy, career talk/personality development na. (actually function muna talaga bago ang fasyown, or sige na nga, depende rin sa tao.) kailangan makita ang iyong face...er, ay, sige, takpan mo na lang pala ang mukha mo. o ayan namintas pa tuloy ulit ako. malas mo lang talaga nakita kita ngayong umaga. 'the functional headband' girl kasi ako. naks.

3 comments:

Mia said...

hahaha >:)

stained memories said...

bwahahahahaha

the title said it all. kahit nga wala yun main post entry, title lang, swak na haha

lauren said...

thanks guys. hahaha. naglabas lang ng inis. pinatulan ko pa talaga kasi. :))