so, lumabas na nga sa isang national publication 'yung feature article na pinagtawanan namin, na sinulat ng isang 'artist' para sa isang gallery. nu'ng pinakita sa 'kin 'yung raw/unedited version, inedit ko nang kaunti (kasi ang olats talaga, mga p're) tapos binalik ko agad kay pareng sender, para maipadala ulit sa kinauukulan. sa kasamaang palad ay naisubmit na raw sa magazine 'yung (unedited) version at bahala na siguro 'yung magazine editor mag-edit, since trabaho niya 'yun. oh well.
sabi ko, oks lang, pag 'yung version ko pa ang na-publish e di umayos pa 'yung writing, e di naman ako make-credit kung ganu'n. di naman ako papayag na "tumino" ang pagsusulat nu'ng isa nang di man lang nasasambit na inedit ko 'yung article niya. so, lumabas na nga sa magazine. at! napakahiwagang walang pinagbago ang raw article sa printed version--meaning, walang nag-edit sa article. mygulay. walang editor?! national magazine?! o baka may editor nga, di naman ginawa ang trabaho? hmm... or, baka masyadong elibs din siya sa 'writer' nu'ng article kasi medyo stateside ang pangalan, di na pinakialaman, assuming na impeccable ang english ng lolo niyo, american-sounding nga kasi ang name. anyway, unfortunately para sa magazine at sa gallery na fini-feature, madaming mali sa article. 'mali' as in sa styling, sa grammar, sa phrasing, malaprops, etc. sabagay. image naman ng gallery 'yun, bakit ko ikaka-hb? bilib na bilib naman sila sa writer/artist/comrade thinker na pinagsulat nila, kaya hayaan na lang natin. suicide by feature article, good luck na lang.
na-discuss tuloy namin, "kung nakakapasok sa magazine ang ganyang article..." hmm, imagine what we can get away with.
pag sumulat kaya ako sa magazine na 'yun para i-point out ang errors, gawin kaya akong bagong editor? bwahahaha. unang-una kong gagawin ay ire-republish ko ang article, pero syempre with corrections na, or teka, footnotes na lang, na madaming madaming "[sic]".
sorry ha, di ko talaga matigilan eh. hindi ako uber galing sa pagsusulat pero alam ko naman ang basic grammar rules and style. ang "it's" ay shortened form ng "it is" at ang "its" naman ay 'yung possessive. for example, ito ang tama: "the gallery made a mistake by putting its faith in you." gusto mo ng isa pa? o eto: "it's amazing how you can be such a poser." dagdag-kaalaman pa: kapatid, kung matagal nang may sakit ang isang matandang tao at binigyan na ng taning ang buhay niya, di mo na matatawag na 'untimely demise' ang pagkamatay niya, lalo na kung ang cause of death niya ay 'yung sakit niya mismo. common sense, dude.
at siguro magandang tignan mo muna sa dictionary ang ibig sabihin ng isang salita bago mo ito gamitin. hindi porke 'sounds like' ang isang salita ay ganu'n din ang ibig sabihin nito. halimbawa, di yata oks na pang-describe ng interior ng isang art gallery na ginagawan mo ng feature ang salitang "homely" just because it seems like a word that means something like 'feels like home'. naku lagot ka, dapat talaga kinonsulta mo muna si mr. webster. tip lang. kung medyo tinatamad ka namang maghanap ng dictionary dahil di mo alam ang itsura nito, google is your friend. educate yourself. kung gusto mo talagang i-hone ang iyong skills sa creative writing, magbasa ka rin. simulan mo sa 'elements of style'. simple lang pero rock sina strunk & white.
so, ano'ng positive ang makukuha natin dito, mga kids?
aba syempre pwedeng gamiting 'exercise in editing' ang article na ito, complete with guide questions: "what were the grammatical errors committed? how can this article be improved, if it can be improved at all? as the editor, would you seriously consider accepting articles from this person again? seriously?"
o sige na, masama at mayabang na akong tao. ako, i know the rules before i break them. mahilig lang akong mag-lowercase ng letters kasi mas kyut silang tignan. so kawaii ba.
osya, nahimasmasan na ako. thank you, blog!
No comments:
Post a Comment