Wednesday, February 24, 2010

matagal ko nang binabalak

i-scan ang mga "lumang" pictures namin.  minsan, ilang taon na rin ang nakalilipas, hinalungkat ko ang mga pictures naming mag-anak at matiyagang inayos ayon sa selebrasyon ("Laurie's 5th birthday", "Joni HS graduation"), happening o lugar ("funeral?", "resto", "Caloocan"), tao ("Chappy solo pics"), at nu'ng wala na talaga akong maisip na kategorya, "assorted" na lang ang sinulat ko sa papel na pinagbalutan ng pictures.  pagkatapos kong ayusin ang mga pictures ay nilagay ko sila sa loob ng cabinet namin sa kwarto.  at doon sila nanatili hanggang sa isang araw noong nakaraang linggo ay may nakita akong mga baby pictures ng bunso kong kapatid na nakapatong sa scanner-printer na nakapatong naman sa desk ko na hindi ko na ginagamit kasi lumipat na ako sa kabilang kwarto para doon mag-establish ng lungga, na short-lived naman kasi dumating 'yung isang lola ko at may agreement sa bahay na pag nandito siya ay doon siya sa kwartong iyon.  anyway, balik sa pictures ni bunso.  inisip ko na baka may project siya kaya niya inilabas 'yung pictures niya.  saka ko naalala ang mga tinagong pictures, kaya kanina binuksan ko na ulit ang cabinet at nilabas ang pictures.  masaya ang pakiramdam na matignan ulit 'yung itsura ko nu'ng bata pa ako--payat, maitim, at gwapo.  sadyang nakakabago ng itsura ang estrogen, 'no?  namili ako ng ilang "amusing" pictures at iniscan nang madalian.  at dahil di naman ako maramot pagdating sa pictures, heto't pagmasdan ninyo ang kagwapuhan ko:

  panalo ang shorts.  kapatid kong bunso 'yang naka-bikini.  mukha siyang haponesa noon, ngayon exotic indian na siya.  siguro may genes na pang-transformers talaga sa pamilya namin.  but wait, there's more!  alam niyo bang may beauty queen sa amin?  presenting miss sacred heart 1986!
ang favorite ninang ko.
pinsan siya ng nanay ko.  ang lagkit tignan ng gown niya.  si kuya ang escort kuno, at ako, well, gwapo talaga.
 
nakapag-pagurl naman daw ako mga bandang 1990.  look at me, i'm so fasyown with my pink headband and printed green blouse!  pasensya na lang 'yung mga naputulan ng mukha sa likod, kailangan lang talagang makita ng buong mundo na marunong akong mag-tuck.


oh, at ano ito?! red polka dots na puruntong, knee-high na medyas, at red & green t-shirt na naka-tuck na, may rabbit pa!  paskong-pasko talaga!  obvious naman sa mukha ng kapatid ko na enjoy na enjoy siya sa mga pinasuot sa amin.  i heart polka dots talaga.

ayun.  ganun talaga pag lumalaki ang mga bata, dumadaan sa (ehem) phases of development.  hay, whatever happened???

anyway, huwebes na ulit bukas at kailangan na iprepare ang thursday project.  sa susunod na huwebes ay (dapat!) medyo sfecial ang handa dahil may magbebertdey.  parang ang "blangko" pag sinabing bente-sais ka na 'no?  parang 8 at 14.  mas mabuti pa noong bata at di ko pa kayang bumilang lampas ng 10.  
5th birthday, jollibee kid ako.  uy mukha akong babae rito ah.

ayun.  basta ang point ko lang talaga, gwapo ako noon at marami akong pictures na i-iscan.  request na rin kasi ng nanay ko.  sana matapos ko naman sa loob ng taon.  hehehe.  pag nakamtan ko na ang tagumpay,
maghahanap at mangyayakap ulit ako ng elepante. pramis.

3 comments:

gingmaganda said...

ako rin, isa yan sa mga frustrations ko! ang magscan ng mga bagay-bagay! kaso balakid ang trabaho sa mga ganitong klaseng pangarap. haha.

lauren said...

ging, agree ako diyan, nakalimutan ko nga na di na ako estudyante at wala na akong "summer vacation" para gawin ang mga gusto ko. !#$!#!$#^%$#@^@ talaga.

gingmaganda said...

at bitin ang apat na araw na bakasyon pag holy week. haha!