5:30 ng umaga, sa kusina. kinausap ako ni lola.
malapit na ah...
ano po?
di ba sa 4 ka?
opo.
ano'ng araw 'yon, friday?
thursday.
ah, thursday.
...
sa'n tayo uupo?
uh...
ay may pasok ka 'no?
meron po.
di ba alam ni mommy mo?
alam po.
e di sana nag-stay pa siya.
eto agad ang naisip ko: ah, lola, kung nag-stay pa po si mommy (nanay ng nanay ko), sa sopa na naman ako gigising, kahit sa araw ng kaarawan ko. ayoko nang mag-buhay transient. gusto ko namang matikman ulit ang matulog sa kama, give me liberty or give me death, i am the captain of my fate i am the master of my soul.
dati kasi, sa sopa ako natutulog by choice--dahil gising pa ang mga kapatid ko sa kwarto namin (bukas pa ang mga ilaw, maingay sila, etc.), may gusto akong trabahuhin sa laptop at sa living room lang may space o kaya may project ako at pag pagod na ay sasalampak na lang ako sa sopa, ganun. ngayon, natutulog na lang ako du'n by default, pag nandiyan si mommy. 'yun kasi ang napagkasunduan simula nu'ng binigay na 'yung guest room sa akin pagkatapos kong magdrama na "di ko na alam kung saan ako lulugar!" sa bahay.
mas dati pa: pagkatapos kong gumgraduate, sabi ko sa tatay ko, "pa, mage-m.a. na 'ko, kailangan ko na ng sarili kong kwarto," sa pagdadahilang mas kailangang magbasa/mag-aral at di ko magagawa iyon pag ang naririnig ko ay ang ingay ng mga kapatid ko. pumayag naman ang tatay ko, at naisip na du'n ako ilagay sa guest room. nagkataong noong bakasyon na iyon, naospital si mommy (pagkagaling sa baguio). sa amin iniuwi para maalagaan ni mama, at naging kwarto na niya ang guest room. di pa naman ako nagka-clamor masyado noon.
konting forward: ginamit ko ring kwarto 'yung kwarto ni kuya noong umupa sila ni mina ng apartment malapit sa lourdes. nakatapos ako ng marami-raming papers noong doon ako nagstay. nilatag ko 'yung banig ko sa kama ni kuya at doon natulog ng ilang oras bago balikan ang laptop. evacuation mode na naman ako nu'ng bumalik na sila, ipapanganak na kasi si miel.
ayun ang mababaw na masalimuot kong buhay bilang isang bedspacer. tapos heto ang lola ko at tila kinukunsinti na niya (indirectly) ang pagtulog ko sa sopa, siya na nagsabi na "hindi naman bedroom ang living room," tuwing nalalaman niyang doon ako natulog.
hay, basta masaya na ako na ngayon (as in as of today), may nagagamit akong kwarto, kahit olats sa umaga pag gising na ang mga anghel at nagsisimula nang magsipag. okay na 'yun. "maraming tao ang walang bahay."
ay, may isa pa pala. may binanggit ang nanay ko noon na pagagawan daw niya ng 'extension' ang kwarto nila, parang ekstrang kwarto na ang pintuan ay sa labas, para raw sa akin.
o baka napanaginipan ko lang 'yon?
makabili na nga ng kubo.
No comments:
Post a Comment