Wednesday, October 22, 2008

Basta wag niyong ipakain sa mga pusa ang mga daga ko

Dapat ibinilin ko 'to bago ako umalis ng bahay kanina.

Nag-iwan ako ng dalawang notes sa bahay tungkol sa pagpapakain ng mga alaga kong daga at isda: kung ano'ng oras sila papakainin at kung ano ang pwedeng ipakain (sa mga daga). Matagal-tagal din akong mawawala, kung pwede lang isama si Gypsy, ibinulsa ko na siya.

Wala lang.

Mga natutunan ko ngayong linggo (huling post ko ito bago umalis pa-Pampanga):

-Ayon kay Rey "Sexytime" Domingo, 'guitarer' ng Brokensauce (aka Wasaknapatis/Sirangleekumkee), masarap ang Coke na may beer.
-Nagbibigay pala ng discount cards ang Gloria Jean's.
-Masarap pa ring magbabad sa Quiapo.
-Kung mamalasin ka, mamalasin ka talaga.
-Mas malaki ang fish fillet dun sa poster ng Chowking kesa sa actual.
-Masaya at mabilis maglakad pauwi habang nakikinig sa "Dancing On The Street."
-Di pa rin kami nakakabili ng iced tea sa bahay.
-Matagal na akong hindi nakakakain ng shawarma.
-Posible palang ngitian ang isang tao kahit hindi mo siya kaharap.

No comments: